Sunday, April 9, 2006

I, Thank You. Bow

A couple of weeks ago, I received an SMS from Taba, my sister, telling me that I have been chosen to be the guest speaker in my hometown's central elementary school--where I graduated. No, it wasn't the graduation ceremonies--I didn't think I'm in "that" level yet to be even invited as guest speaker for the commencement exercises--but a recognition day. It was, as I was told by the head teacher that invited me, more distinctive, and well attended, as it is all the awardees from all grade levels who would be attending. Upon checking my calendar and seeing that I was, indeed, free on the 31st of March, I gave my still wee bit reluctant confirmation.

Two weeks prior to the event, while killing time before my hosting stint for a debut birthday bash over at the Edsa Shangri-la hotel, I decided that it was time to draft my speech. An hour and a half later, I successfully put all my thoughts into words. I was ready...all 19 minutes and 46 seconds of it.

Here was my speech. (Stories about the actual speech and event to follow, I hope...)

Parents, teachers, awardees, friends, housemates, ladies and gentlemen, good evening.

My name is Ben Redulla, a proud alumnus of this school.

I am both honored and flattered to have been asked to speak for this wonderful occasion. But before I continue with my prepared speech for the night, I would just like to share a thought that I had as an awardee myself in one of Orion Elementary School's recognition days some years ago. Sitting on those seats, listening to our guest speakers, I had a really hard time trying to digest, let alone understand, what they were trying to say. Why? Practically almost every word was in English...and at age 7 to 12, I wasn't exactly conversant and fluent in English then as I am today.

Kung kaya sa gabing ito, sisikapin ko pong gamitin ang wikang Filipino at konti lamang na Ingles sa pagbibigay ng aking maikling mensahe.

Sa gabing ito, lahat ng naririto ay pararangalan. Mga awardees, ika nga. Kung kaya't binabati ko ang bawa't isa sa inyo, maging ang inyong mga magulang para sa karangalang inyong nakamit. Nakasisiguro ako na lahat kayo (at ang inyong mga magulang) ay nagagalak at nagbubunyi dahil dito. Ngunit sana’y nauunawaan ninyo na ang dapat na lubhang makapagbibigay sa inyo ng galak at pagbubunyi ay hindi ang award, ang medalya, o certificate, kundi ang inyong pinagdaanan sa isang buong taon upang ito ay makamit. Sabi nga ni Ralph Waldo Emerson, "The reward of a thing well done is to have done it. Any recognition is just the icing on the cake, not to be expected but definitely to be enjoyed". Sa ating buhay, darating ang maraming pagsubok, kalamidad, kawalan, kalungkutan, at paghihirap. May mga pagkakataong tayo'y magwawagi, makagagaan, liligaya, at makaaahon...subalit mayroon din namang mga pagkakataong hindi. Sa mga pagkakataong ganito, ang pinakamahalagang dapat isipin, sabi nga ni Emerson, ay hindi ang pagwawagi o pagkabigo...ngunit ang prosesong pinagdaanan mo upang makamit ito.

Napakahalaga ng gabing ito sa mga estudyante, mga magulang at maging sa mga administrators at guro ng eskwelahang ito. Ito ang gabi na nagsasabing tapos na naman ang isang mahabang proseso sa isang taon ng paghuhulma ng ating mga mag-aaral. Bagama't hindi dito nagtatapos ang ating paglalakbay, ngayong gabi ang tamang panahon upang i-enjoy ang icing ng ating mga cake. You have all done a good job as students, parents, administrators and teachers. And again, congratulations. Give yourselves a big round of applause, please.

Kagaya ng aking nabanggit kani-kani lamang, hindi dito nagtatapos ang ating paglalakbay. Bagkus ito ay simula pa lamang ng mahabang-mahaba pang lakbayin. After all, life is but a journey. Sa maski ano pa mang paglalakbay, mahalagang alam mo kung saan ka pupunta. Kung hindi mo alam ang iyong patutunguhan, ang iyong paglalakbay ay magiging isang kasayangan lamang ng iyong panahon at pagod. For what is a journey without a vision, or a guiding compass, of where you are going to?

Sa puntong ito, nais kong i-quote ang isa sa mga paborito kong sikolohista: si Stephen R. Covey. Sa kanyang aklat na The 7 Habits of Highly Effective People, sinabi nya ang ganito: "Begin with the end in mind". Upang higit na maipaliwanag ang konseptong ito, hihingin ko ang inyong kooperasyon. Kung pwede po ay ipikit ninyo ang inyong mga mata, huminga ng malalim, at gamitin ang imahinasyon. Bawat sasabihin ko ay gusto kong isalarawan ninyo sa inyong mga isipan habang kayo ay nananatiling nakapikit at humihinga ng malalim. Kunwari, kayo ay nasa isang park. Hindi gaanong kainitan ang sikat ng araw ngunit nakikita ninyo ang mga sinag nito na tumatagos sa mga ulap. May mga humuhuning ibon sa di kalayuan. May water fountain na may mga anghel na bato. May mga bata na naglalaro, nagtatawanan at nagtatakbuhan. May mga nagba-badminton. May mga nakaupo sa bench. Mayroong mga sasakyang nagdadatingan at lumalabas ng parking area. Napakapayapa ng lugar na ito. Parang walang problema dito. Naglakad ka patungo sa isang building sa may gitna ng park. Puti lamang ang pintura nito, hindi kalakihan. Napakaraming bulaklak sa loob ng building na ito. May mga pulang rosas, may mga tulip, may mga anthurium, hydrangea, sunflower, at may mga iba pa ngang hindi mo alam kung anong klaseng bulaklak. Pero isa lang ang alam mo: napakaganda at napakapayapa ng building na ito. Tahimik kahit na may karamihan ng taong nagtitipon. Nagulat ka pa nga dahil karamihan sa mga taong ito ay kakilala mo. Yung iba, parang malungkot, yung iba tahimik lang, yung iba naman ay nakikipag-usap sa ibang tao, at yung iba ay tila nagdarasal. Sa pag-ikot-ikot mo sa building na ito, napagtanto mo na ito pala ay isang maliit na kapilya. At ang park pala na kinatatayuan mo ay isang memorial park. Nalaman mo ito dahil sa harapan ng kapilya ay may altar. At sa altar na ito ay may isang kabaong. Napaisip ka kung sino kaya itong taong ito na napakaraming nagpunta at nagbigay ng pagkagagandang mga bulaklak. Kung kaya't hindi ka nagdalawang-isip. Dahan-dahan kang lumapit sa kabaong na ito. Lumalakas ng lumalakas ang kabog ng dibdib mo. Parang may nagsasabi sa iyong huwag ka magpunta dahil hindi mo magugustuhan ang iyong makikita. Natatakot ka at kinakabahan. Subalit nanaig ang iyong kagustuhang makita ang taong ito. OK lang. Hindi ka naman takot sa patay e. Ipinagpatuloy mo ang iyong dahan-dahang paglalakad papunta sa altar. Tila ba ilang minuto ang bagal ng iyong paglalakad. Pagdating mo sa harapan, bumuntong-hininga ka pa bago mo sinilip ang salamin ng kabaong. Nagulat ka sa iyong nakita. IKAW ang nasa loob ng kabaong.

Ibukas natin ang ating mga mata. Humihingi ako ng paumanhin duon sa mga napaiyak ng hindi sinasadya o inaasahan. Tunay ngang ang kamatayan ay isang bagay na ayaw na ayaw nating isipin o pag-usapan, kahit na ito ay isang napakanormal na bagay naman. Subalit ang ginawa nating paglalakbay ng imahinasyon ay ang tunay na paglalakbay sa buhay. Begin with the end in mind. Ang bawat paglalakbay ay may katapusan. Everything comes to an end. Ang pinakamalaking katanungan na dapat nating isaisip ay ito: paano ko gustong maalaala ng aking mga kaibigan, mga guro, kaklase, kapitbahay, katrabaho, at kamag-anak kapag ako ay wala na sa mundo? Isa bang tamad na bata, walang galang, hindi naniniwala sa Diyos, nangongopya, walang malasakit sa ibang tao, burara, o walang pakialam sa mundo? O dili kaya'y gusto nating maalaala bilang isang batang masunurin, palaaral, matapat, mapagmahal at mapagsikap? Nagsisimula ang bawat paglalakbay sa isang plano, sa isang paninindigan, sa isang pinipiling direksyon. The choice is yours. Choose wisely.

Mayroong akong naaalalang isang kanta ang Apo Hiking Society. Hindi ko alam kung alam pa ninyo ang kanta o grupong iyon, ngayong ang kilala na lamang ninyo ay ang mga tulad nila Kitchie Nadal, 50cent, Destiny's Child at maging si Sam Milby. Ngunit ang awiting ito ay nagsasabi ng ganito, "Batang-bata ka pa, at marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo, yan ang totoo. Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang. Buhay ay 'di ganyan. Makinig ka na lang. Makinig ka sa aking payo pagka't musmos ka pa lamang, at wala pang nalalaman sa mali at katotohanan..."

Sa bawat pagpili ng desisyon, kailangan natin ng gabay...lalo pa't tayo ay bata pa lamang. Nuong bata pa ako, lagi akong pinapagalitan ni Mommy. Pinapalo ako sa puwit kapag hindi ako nag-aaral, gumagalang sa mga matatanda, naglilinis ng bahay o ng katawan ko, at tatamad-tamad. Galit na galit ako kay Mommy nuon dahil akala ko pinagmamalupitan nya ako at hindi nya ako mahal. Bakit nga naman nya ako papaluin kung mahal nya ako? May nagmamahal bang nananakit ng tao? Pagdating ng panahon, nang ako'y mag-isa nang nag-aaral sa Maynila, napag-isip-isip ko na ang bawat palo, pagalit, paalaala at pangaral ay paraan lamang ng ating mga magulang upang ituro sa atin ang tama. Sila ay nagnanais lamang na ilayo tayo sa kapahamakan at pagkabigo. Ang pagde-disiplina nilang ito ay para lamang tiyakin na ang mga paala-ala at aral na ibinibigay nila sa atin ay mananatili sa ating mga puso at isipan kahit sila ay wala na. Kahit pa gaano kapangit ang ating naririnig at napapanuod sa radyo at telebisyon tungkol sa mangilan-ngilang mga masasamang magulang, hindi ako naniniwala na mayroong magulang na gugustuhing mapasama ang kanyang anak. Sila ang ating pinakamahalagang gabay sa buhay. Kung kaya't dapat natin silang igalang, mahalin at pakinggan.

Ang pangalawang mga magulang at gabay natin ay ang ating mga guro. Sila ang binigyan ng napakabigat na responsibilidad na hulmahin ang ating mga isipan upang maging mga mahuhusay, matatalino, magigiting at huwarang mamamayang Pilipino. Hindi madali maging guro. Sa Amerika ay nagturo ako ng isang semestre ng Computer Appreciation at Journalism sa mga mag-aaral ng Grade 12 o parang 4th year high school dito sa Pilipinas. Bilang guro, kailangan ng matinding pasensya, pagmamahal at pang-unawa upang higit na matulungan ang mga estudyante...lalo na ang mga kabataan ngayon. Nuong ako ay bata pa, hinding-hindi nangyari na ang isang mag-aaral ay nanigaw o nagmura sa kanyang guro. Nakalulungkot isipin na ngayon ay hindi na iginagalang ang mga taong ito na nagsisikap at nagsasakripisyo ng kanilang sariling kaligayahan upang maturuan lamang ng mahusay ang kanilang mga estudyante. Hihilingin ko pong tumayo ang mga guro ngayon. Ladies and gentlemen, tingnan natin sila…mga tunay na bayani. Ibalik natin ang dating mataas na pagtingin at paggalang sa mga guro. They deserve it. Palakpakan po natin ang ating mga magigiting na guro.

Bago ko tapusin ang aking mensahe, gusto ko lamang balikan ang tema ng Recognition Day na ito: Crossing the threshold from learning the basics to learning for life. Learning the basics. Ganito yan...

Nuong ako ay nasa Unibersidad ng Pilipinas nuong kolehiyo, habang nag-aaral ng pagkahaba-haba at pagkakapal-kapal na babasahin para sa isang exam, mainisin kong nasabi, "ano ba ang kinalaman ng bwisit na History of the Filipino People na ito sa aking pagiging sikat na manager ng isang malaking kumpanya pag-graduate ko???" Marahil ay dumaan na rin kayo sa ganyang pag-iisip. O kaya'y, "ano ba ang importansya ng mga aralin sa eskwela upang kami ay maging handa sa pagharap sa buhay?" Heto ang kasagutan.

Mathematics. Hindi yan para lamang magbilang at mag-add o dibay-dibay. Ang Math ay nagtuturo ng logic sa pagsasagot ng mga problema. Kaya nga may problem-solving di ba? Ito ay nagtuturo sa atin na lahat ng problema ay may kasagutan...dapat lamang ay marunong ka dumiskarte.

English at Speech. Kaya itinuturo ang spelling rules at ang subject-verb agreement, ay dahil sa buhay, hindi pwedeng ikaw lagi ang masusunod. May mga patakaran na dapat sundin upang maging tama.

History. Bibigyan ko kayo ng dalawang kasabihan tungkol dito. "History repeats itself" ang una. Kapag hindi ka nagtanda sa unang pagkakamali, mauulit yan. Ang pangalawa naman, "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan". Itinuturo din ng History na hindi tama ang maging mapagmataas at walang utang na loob.

Science. Lahat ng bagay ay may atoms at molecules. Ibig sabihin, gaano man kalaki ang isang bagay o problema, may pinagmulan o pinag-ugatan iyan, na dapat mong pagtuunan ng pansin kung gusto mong lutasin ang malaking problema.

Filipino. Ang totoo, kahit magkapili-pilipit pa ang dila mo sa pagsasalita ng wikang banyaga, wala pa ring sasarap sa pandinig kundi ang marinig ang sariling wika. At hindi yata maganda pakinggan kapag Barok o mala Sandara, di ba?

Music and Arts. Kaypangit ng buhay kung walang musika o sining. Kaya ang utak may dalawang hati: isa para sa lohika at ang isa naman ay para sa pagkamalikhain...kaya’t balansehin ninyo dapat ito.

Practical Arts. Ang buhay, parang Cooking, Agriculture, at Shop. Cooking: ang buhay pwedeng pasarapin, basta tama ang rekado; Agriculture: sa buhay, may aahihin ka pagkatapos ng lahat ng paghihirap at mga paghahanda; Shop: sa buhay, lahat ng problema ay pwedeng kumpunihin.

PE. Mapa-calisthenics, gymnastics, basketball, siato, chinese garter, softball, o kunday-kunday at itik-itik...bawat patak ng pawis at pagbilis ng tibok ng puso mo ay nagpapaalaala sa iyo na sa buhay, dapat inaalagaan mo ang sarili mo at hindi ka nagpapakasasa sa mga makamundong bagay.

Religion at Values Education. Kapag ang mundo ay tila guguho na, ang lahat ng mga alam mong formula, agreement, at rules ay tila hindi na umuubra, itinuturo ng Religion na hindi ka pababayaan ng
Panginoon...kausapin mo lamang Siya.

At ang pinakaimportante sa lahat: Recess. Itinuturo nito ang kahalagahan ng pagsasalo-salo at pagbabahaginan o sharing. Kung ano ang mayroon ka, dapat ay matuto kang magbahagi sa iba. Ito ang tinatawag na abundance mentality: there's enough for everybody. Hindi ka mauubusan…kaya huwag kang maramot.

Sana ay wala akong nakalimutan sa mga subjects na ito...at baka ako ay bawian ng medalya ng mga guro ko dito sa Central!

Bilang pagtatapos ng aking mensahe, nais ko lamang i-buod ang ating mga dapat tandaan. Ang buhay ay isang paglalakbay. Ang paglalakbay ay nararapat magsimula sa isang desisyon, isang malinaw na larawan ng kung ano ang iyong gustong marating. Ang mga magulang, guro, at, pangkalahatan, ang edukasyon, ay nagsisilbing gabay sa paglalakbay na ito.

Muli, binabati ko kayong lahat sa mga karangalang inyong nakamit. You are truly the best of the best. Enjoy yourself, and remember as Mother Teresa said, "Life is a promise; fulfill it."

Salamat po at magandang gabi.

1 comment:

Yang said...

Hi! came across your blog through feedster.com while searching for 'zaturnnah' entries. Just wanted to say how I enjoyed reading your blog!!!! :-D
Will you be watching the rerun too?